Home HOME BANNER STORY Rehistro sa e-bike, e-trike target ng MMDA

Rehistro sa e-bike, e-trike target ng MMDA

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes together with LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, and DOTr Assistant Secretary Jose F. Lim IV hold a press conference regarding the regulations for electric powered vehicles at MMDA Office in Pasig City on Thursday, February 15, 2024. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Target ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglatag na ng regulasyon sa pagmamaneho ng mga e-trike at e-bike sa bansa.

Ayon sa MMDA, kasama na rito ang pagpaparehistro sa mga electric bicycles at electric tricycles.

Plano rin na obligahin na ang mga drayber nito na kumuha ng lisensya.

“Nakikita rin kasi namin na padami nang padami…parang exponential yung pagdami nitong e-bike,” sinabi ni MMDA acting chairman Romando Artes.

“We met para nga po magkaroon ng regulasyon, para habang hindi pa ganoon kadami na nakaka-obstruct na ng traffic, na yung major accidents ang nako-cause niya, ay ma-address na namin kaagad,” dagdag pa ng opisyal.

Ani Artes, aminado siyang nagulat sa mabilis na pagsulputan ng mga ito sa kalsada.

“Medyo cause of concern na siya talaga,” anang opisyal. RNT/JGC

Previous articleBangkay ng amasona nadiskubre sa tubuhan sa Batangas
Next articleBong Go umayuda sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro