Release order sa LGBT protesters, ‘di pa inilalabas

Release order sa LGBT protesters, ‘di pa inilalabas

June 30, 2020 @ 10:04 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Hindi pa nailalabas ng Manila Police District (MPD) ang release order ng mga raliyista mula sa LGBT community sa Mendiola, Manila, ayon sa Manila Police District (MPD).

“Hanggang ngayon nandito pa rin sila eh. Wala pa silang release order,” ani Police Brigadier General Rolando Miranda.

“Hindi pa yata sila nakakapiyansa.”

“‘Yung tatlong minor, cinase file na lang namin kasi minor. Pina-release na lang namin in cognizance sa mga parents nila pero finile pa rin namin,” lahad pa ni Miranda.

Samantala, ihiniit naman ni Miranda na wala sa kulungan ang mga nagprotesta bagkus nasa offices of the General Assignments and Criminal Investigation and Detection Unit lamang.

“For humanitarian consideration, hindi ko sila inilagay sa kulungan. Nasa opisina lang sila dito, sa General Assignments Section at CIDU,” giit ni Miranda.

Isinailalim din aniya ang mga ito sa rapid testing para sa COVID-19.

Nagbabala naman ang hepe sa publiko kaugnay sa pagsasagawa ng protesta ngayong pandemiya.

“Basta’t hanggang ngayon, ang policy namin sa kanila, hangga’t may pandemic, huwag silang mag-attempt na mag-rally dito at bawal kasi. I want to send them a message, ‘yung mga militanteng grupo, hangga’t may pandemic, huwag silang mag-attempt na mag-rally kasi ipapaaresto ko sila,” paliwanag ni Miranda.

“Kung gagawin nila ‘yun sa mga campuses, wala tayong problema doon. Pero kung nasa kalye at magdadamay sila ng ibang tao, ‘yun ang iniiwasan natin. Pangalawa, kung pagkatapos nito ay gusto nila magngangawngaw sa kalsada, may issue sila. Well, we will allow them but before that they have to secure a permit. Kaya lang not now.” RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...