MANILA, Philippines – Isang House Resolution ang inihain ni Camarines Sur Rep Lray Villafuerte na nagsusulong na idikit na rin ang tanggapan ng House of Representatives sa magiging gusali ng Senado sa Taguig City.
Sa House Resolution No 1890 na inihain ni Villafuerte, iginiit nito na kung magkadikit na ang Senado at Kamara sa iisang lugar ay magkakaroon ito ng mas maayos na komunikasyon at koordinasyon sa kanilang legislative work.
“Proximity to other government agencies, multinational corporations, leading local businesses, and tech startups, should also be taken into account for access to different sorts of Filipinos from every walk of life,” nakasaad sa resolusyon.
Ang Kamara ay matatagpuan sa Batasang Pambansa Complex sa Batasan Hills, Quezon City habang ang Senado ay nakatakdang ilipat sa kanilang bagong tanggapan sa Bonifacio Global City. Gail Mendoza