Remark ni Sen. Kiko na ‘kahiya-hiya’ ang Pinas sa WHO report, binuweltahan ng Malakanyang

Remark ni Sen. Kiko na ‘kahiya-hiya’ ang Pinas sa WHO report, binuweltahan ng Malakanyang

June 30, 2020 @ 9:40 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para mahiya ang ang Pilipinas kung pag- uusapan ay ranking nito sa Western Pacific Region kaugnay ng mga naitatalang kaso ng COVID 19.

Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging ng komento ni Senador Francis Pangilinan na kahiya-hiya ang bansa kasunod ng inilbas na statement ng WHO na nangunguna ang Pilipinas sa bilis ng pagdami ng corona virus sa rehiyon.

Ani Sec. Roque, walang dahilan para makaramdam tayo ng hiya gayung hindi naman talaga tayo ang nangunguna sa Western Pacific Region kung density ng COVID ang isyu.

Lumalabas nga ani Sec. Roque na kulelat ang Pilipinas sa mga bansa sa rehiyon na pinakamabilis na dumami ang kaso ng virus at suportado ito ng aniyay ebidensiyang hindi nagsisinungaling.

Aniya, kung idi-divide ang kaso sa per million population, lalabas na ang pinakamataas sa Western Pacific Region ay India (549,197)…. sumunod ang Pakistan (202,955) ….. pangatlo ang Bangladesh (137,787) habang pumapang – apat naman ang Indonesia (54,010) na sinusundan ng Singapore ( 43,459 ) at pang- anim ang Pilipinas. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...