Home NEWS BANNER STORY Remate express kampeon sa CBA

Remate express kampeon sa CBA

448
0

MANILA, Philippines – Nasungkit ng Remate Express ang kampeonato sa makapigil hiningang Game 3 nang katatapos na Chinoy Basketball Association (CBA) matapos durugin ang JLAI Evercon Stallion, 95-90, sa overtime (OT) sa larong ginanap sa Aero Sports, Quezon Avenue, Quezon City.

Nanguna sa panalo ng Express ang hinirang ding Most Valuable Player (MVP) na si Fran Yu na kumamada ng 17 points sa panalo ng Express.

Umambag din sa panalo ng Express si Miguel Corteza na pumuntos ng 25 at Renzel Yongcob na may 19 points para sa matamis na panalo ng Remate.

Matatandaang nanalo sa Game 1 ang Remate Express subalit nakabawi ang Stallion sa Game 2 kaya na-set up ang do-or-die Game 3.

Sa Game 3, dala ang Express na pangalan, agad na umarangkada sa 1st quarter ang Remate at nilamangan ang Stallion, 23-25, sa 2nd quarter humabol ang Stallion at nagtapos ang 1st half sa iskor na all-46.

Pagpasok ng 3rd quarter ay muling ipinakita ng mga manlalaro Express ang kanilang husay at tinapos ang quarter na lamang sila ng dalawa, 66-64.

Subalit naging malupit ang salpukan ng dalawang koponan sa 4th quarter kung saan nagpalitan ng shoot ang dalawang team na nagtapos sa all-81 kaya nauwi sa OT ang bakbakan.

Sa OT na kumana ang Express at tinapos ang laban sa iskor na 95-90 para maibulsa ang panalo at maiuwi ang kampeonato.

Nanguna sa Stallion sina Jude Paolo Bagay at Patrick Norhan Napenas na kumamada ng 18 at 16 ayon sa pagkakasunod sunod.

Agad namang binati at pinuri nina Remate Express team owner Benny Antiporda at Remate Executive Officer Benedict Antiporda ang kanilang team dahil sa magandang ipinakita sa laro na nagbusod sa kanilang kampeonato.RNT

Previous articleAd interim appointments ng 50 AFP generals, flag officers aprubado ng CA
Next articleComelec walang obligasyon na magbayad sa contractor ng Pilipinas Debates 2022

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here