MANILA, Philippines – Inabswelto ng Office of the Ombudsman sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Bureau of Corrections chief Pio Gregorio Catapang sa mga reklamong murder na isinampa ni dating Bucor chief Gerald Bantag.
Sa inaprubahan na resolution ni Ombudsman Samuel Martires, dinismis lamang ang reklamong murder at kasong grave misconduct and conduct prejudicial to the interest of the service at conduct unbecoming a public official were dismissed laban sa dalawang opisyal dahil sa pagpatay sa broadkaster na si Percy Lapid at kay Jun Villamor ang inmate na nagsilbing middleman upang mapatay si Lapid.
Nakasaad sa resolusyon na walang sapat na basehan ang mga isinampang reklamo laban kina Remulla at Catapang.
Ibinasura rin ang mga kasong administratibo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Una nang iginiit ni Bantag na si Remulla ang umano’y totoong mastermind sa pagpatay kay Lapid matapos batikusin umano ng brodkaster ang kalihim na siyang sisira sa imahe ng administrasyong Marcos. Teresa Tavares