Home NATIONWIDE Remulla dedma sa mga tsismis na papalitan siya sa DOJ

Remulla dedma sa mga tsismis na papalitan siya sa DOJ

MANILA, Philippines – Binalewala ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hindi matigil na tsismis na papalitan na siya sa DOJ dahil sa problema sa kanyang kalusugan.

Sinabi ni Remulla na kasama na sa buhay ng tao ang pag tsismisan lalo pa at marami umano ang nangangarap sa kanyang puwesto.

Dati na umugong ang mga balita na papalitan diumano ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque si Remulla sa DOJ. Maging si SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta ay napabalita na papalit kay Remulla.

Si Remulla ay matagal ng hindi nakakapunta sa Justice Department compound sa Manila bunsod ng naging komplikasyon sa kanyang heart bypass surgery ilang buwan na ang nakalipas.

Tiniyak naman ni Remulla na maayos na ang kanyang kalusugan.

“I’m actually ok (now). Alam ninyo naman, na-bypass ako dati. I just had complications that I had to (manage), that I’m going through up to now, (and) my immune system (is still recovering) But I’m okay.”

Sa kabila ng hindi pagpunta sa kanyang tangapan, iginiit ng kalihim na tuloy ang kanyang pagtatrabaho mula sa kanyang bahay at nakikipag-ugnayan sa kanyang mga opisyal sa pamamagitan ng videoconferencing.

“I’m on the way to complete recovery. I need to take, of course, some time. I’m 62 years old and may depreciation na ang katawan natin. But I’m able to work from home, effectively. I’m able to discuss with our assecs and the directors the issues in the DOJ,” ani Remulla.

Iginiit ni Remulla na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin na pangunahan ang DOJ sa abot ng kanyang kakayahan.

“So as long as I’m able to fulfill my (duty), to be able to fulfill my responsibilities and lead the department, then we will continue serving.” Teresa Tavares

Previous articleEx-konsi sa Batangas nakaligtas matapos paulanan ng bala
Next articleDOJ ‘di titigil para sa hustisya sa kaso ng missing sabungeros