Home NATIONWIDE Remulla dudang may banta sa buhay ng 7 PDL na testigo sa...

Remulla dudang may banta sa buhay ng 7 PDL na testigo sa De Lima drug case

MANILA, Philippines – Malayo sa katotohanan ang pahayag ng pitong persons deprived of liberty (PDLs) na may banta na sa kanilang buhay dahil sa desisyun na bumaligtad sa kanilang naunang testimonya laban kay dating Senador Leila de Lima.

Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Jesus Crispin  Remulla matapos mabatid na dumulog mismo ang pitong PDL kay De Lima para matulungan sila na hilingin sa korte na maibalik sila sa New Bilibid Prison (NBP) dahil nasa panganib umano ang kanilang buhay.

Ang pitong testigong PDL na sina German L. Agojo, Tomas B. Donina, Jaime V. Patcho, Wu Tuan Yuan who is also known as Peter Co, Engelberto Durano, Jerry R. Pepino, at Hans Anton Tan ay kasalukuyang nakapiit sa maximum security facility ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro.

Naniniwala ang kalihim na gumagawa lamang ng paraan ang mga ito upang makabalik sa NBP.

Mismong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. aniya ang makakaalam kung may banta sa buhay ang mga nabangit na PDL.

Una nang naghain ng mosyon si De Lima sa Muntinlupa City RTC Branch 201 para maibalik sa  Bilibid ang pitong inmate.

Gayunman, sinabi ni Remulla na kailangan silang magsumite ng kahilingan sa Bureau of Corrections dahil nakasalalay sa Bucor ang desisyun. Teresa Tavares

Previous articleLRT-2 may #LibrengSakay sa Dis. 10
Next articleIlang Saudi OFWs sinimulan nang bayaran pero PH banks ‘di tumatanggap ng tseke