Home NATIONWIDE Remulla nais ng mas mahigpit na parusa vs abogadong sangkot sa ‘demanda...

Remulla nais ng mas mahigpit na parusa vs abogadong sangkot sa ‘demanda me’ racket

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Senado ang pagbalangkas ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa mga abugado na sangkot sa “demanda me” raket.

Sinabi ni Remulla na matagal nang pinagkakakitaan ng ilang tiwaling abugado ang istilo ng “demanda me” kung saan tinutulungan ang mga dayuhan na magkaroon ng kaso sa korte upang makaiwas na mapatalsik palabas ng bansa.

Mas mahalaga aniya na patawan ng malaking multa ang mga abugado na mapapatunayan na ginagawang kabuhayan ang ‘Demanda me’ package.

Ipinanukala rin ni Remulla sa Senado na isama sa batas ang agarang pag-urong sa gawa-gawang kaso sa mga dayuhan.

Sa kasalukuyang batas hindi maaring i-deport ang isang dayuhan habang may kaso sila dito sa bansa.

Inihalimbawa ng kalihim ang kaso ng babae na nagsampa ng kaso laban sa kanyang Japanese boyfriend dahil sa paglabag sa Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Gayunman madalas makita naman aniya ang babae kasama pa rin ang hapon. Teresa Tavares

Previous article8th debut anniversary pop-up store bubuksan ng TWICE!
Next articleNewJeans namayagpag sa October Girl Group Brand Reputation ranking!