Home NATIONWIDE Remulla: Perjury rap vs Ragos kailangang ikasa ng interesadong partido

Remulla: Perjury rap vs Ragos kailangang ikasa ng interesadong partido

439
0

MANILA, Philippines- Maaaring magkasa ang interesadong partido ng perjury charges laban kay dating Bureau of Corrections officer in charge Rafael Ragos na binawi ang kanyang mga alegasyon laban kay dating Senator Leila De Lima, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes.

Nang tanungin kung magkakasa ang Department of Justice ng perjury rap laban kay Ragos kaugnay ng kanyang retraction, sinabi ni Remulla, “There has to be an interested party for us to file it.”

“We will ask the prosecutors involved if they want to file a case. We are not encouraging anything,” aniya pa.

Pinawalang-sala ng Branch 204 ng Muntinlupa Regional Trial Court nitong Biyernes si De Lima at dating security aide Ronnie Dayan sa illegal drug trading charge.

Sa 39-page decision, sinabi ng korte na ang pagbawi ni Ragos ng kanyang alegasyon ay nagdulot ng reasonable doubt sa pagkakasangkot nina De Lima at Dayan kahit na napatunayan ng prosekusyon ang talamak na illegal drug trading sa New Bilibid Prison (NBP).

Matatandaang sinabi ni Ragos na dinala niya ng kanyang aide na si Jovencio Ablen Jr. ang P5 milyong kita ng illegal drug trade sa loob ng NBP sa tahanan ni De Lima sa Parañaque City noong 2012.

Nitong May 2022, binawi ni Ragos ang kanyang testimonya laban kay De Lima. RNT/SA

Previous articleInflation pangunahing ‘urgent concern’ ng mga Pinoy – sarbey
Next articleToni Fowler, dismayado sa kabataang nag-twerk!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here