MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na tila ayaw harapin ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang mga kasong inihain laban sa kanya sa hindi pag-uwi sa bansa.
Inihayag ito ni Remulla matapos sabihin ng suspended lawmaker na “fake news” ang ulat na uuwi na siya sa Pilipinas.
“Ibig sabihin, tinataguan niya ‘yung charges. Flight is an indication of guilt,” anang Justice chief said.
Nitong martes, sinabi ni Remulla, batay sa “reliable source” na posibleng umuwi sa bansa si Teves mula Timor Leste, kung saan hindi pinayagan ang hiling niyang political asylum.
Samantala, nitong Miyerkules ng umaga, pormal nang naghain ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice laban kay Teves. RNT/SA