MANILA, Philippines- Nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pahayag niya sa radyo nitong Linggo na nagbigay ng impresyon na hindi siya naniniwala na inosente si dating Senator Leila de Lima sa drug charge, kung saan napawalang-sala siya noong Biyernes.
Sa Executive Session program ng DZRH, kung saan isa siyang regular co-host, ibinahagi ni Remulla ang kahalagahan ng acquittal ni De Lima.
“Para malinaw, pag in-acquit, hindi ibig sabihin wala talagang kasalanan. Kundi, hindi matibay ang ebidensya. Kaya may tinatawag na reasonable doubt, may pagdududa ang guilt nya kung puro o hindi,” giit niya.
“Basta pag may reasonable doubt, reason to acquit yan, pero di nangangahulungang walang kasalanan talaga. Yun talaga ang batas, para fair,” dagdag ni Remulla.
Kinondena ng mga taga-suporta ni De Lima supporters at human rights advocates ang komento ng kalihim.
“That holds true for all cases in the country. Acquittals are triumph of the rule of law. Because, as we say, when there is reasonable doubt as to the guilt of the accused, the courts are constrained to rule in favor of the doubt. Because nobody should be convicted when there is a doubt as to the guilt of the accused,” aniya nitong Lunes.
Subalit naniniwala ba siyang “guilty” si De Lima?
“I do not have enough information. I didn’t witness the statements made but I saw the records of the cases. And I would say that it was a well-fought legal battle that happened there,” paliwanag niya.
Advertisement
Advertisement