Home NATIONWIDE Remulla sa prosecutors: ‘No mercy’ vs mga suspek sa Ayala Alabang kidnap-slay

Remulla sa prosecutors: ‘No mercy’ vs mga suspek sa Ayala Alabang kidnap-slay

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla sa state prosecutors na tiyakin na matitibay ang mga kaso na isasampa laban sa mga nasa likod ng pagdukot at pagpatay ng anim na Chinese nationals at tatlong Filipino citizens sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong October 30, 2023.

Ito ay matapos makitaan ng probable cause ng
Department of Justice (DOJ) para kasuhan ng kidnapping, serious illegal detention, homicide at car theft ang tatlong suspek.

“Assure airtight cases are filed and show no mercy in prosecuting those behind these senseless crimes,” ani Remulla.

“Let’s bring to justice those responsible for these crimes,” dagdag ng kalihim.

Sa inilabas na resolusyon nitong 15 February 2024, inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors na kasuhan sina Edgar Catapang Abarca, Eduardo Catapang Abarca at John Oliver Villanueva alyas Carlo Acero Villanueva ng apat na bilang ng kidnapping at serious illegal detention, isang bilang ng slight illegal detention at isang bilang ng carnapping.

Magugunita na pinalaya ng mga suspek ang tatlong Pinoy sa Calauan Laguna matapos silang dukutin kaya agad nagsumbong sa Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit (PNP-AKG).

Nadakip ang mga suspek matapos repasuhin ng mga awtoridad ang nakuhang CCTV footage. Teresa Tavares

Previous articleCha-cha hearing tuloy kahit walang Senate rules review
Next articleLakers binuhat ni LeBron sa panalo kontra Clippers