Home NATIONWIDE Remulla: Wala akong pinadalang tao sa Timor-Leste para manmanan si Teves

Remulla: Wala akong pinadalang tao sa Timor-Leste para manmanan si Teves

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Justice Secretary Crispin Remulla na may mga tauhan ng pamahalaan ang ipinadala sa Timor- Leste upang manmanan si Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Iginiit ni Remulla na wala siyang inutusan na mga tauhan para tiktikan si Teves sa ibang bansa. Hindi aniya ito ang tamang panahon para rito.

Una nang ibinunyag mismo ni Teves na may ipinadalang team ang gobyerno sa Timor Leste upang alamin ang mga bagong impormasyon sa pagkuha ng asylum ni Teves.

Magugunita na nabigo si Teves na humarap sa unang araw ng pagdinig ng DOJ kahapon (June 13) sa murder complaints laban dito kaugnay sa Degamo slay.

Iginiit naman ng biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, na dapat seryosohin at sagutin ni Teves ang mga reklamo laban sa kaniya. Teresa Tavares

Previous articlePokwang, tinuluyan si Lee!
Next articleResolusyon sa pagkilala, pagpuri kay Biazon bumaha sa Senado