Home ENTERTAINMENT Rendon, binalingan ang pagpaparetoke ni Herlene! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rendon, binalingan ang pagpaparetoke ni Herlene! August 7, 2023 14:34 375 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Maikukumpara si Rendon Labador sa isang kasuotan na unisex. Ang mga banat kasi ng social media personality ay walang pinipiling kasarian. Wala ring pinipiling antas o katayuan sa buhay ang kanyang mga harsh comments to the point na kadema-demanda na. Rendon’s list of “victims” is growing by the day. Ang latest na hindi naman niya pinaligtas ay si Herlene Budol. In his latest post, ibinahagi ni Rendon ang isang art card kalakip ng screenshot ng komento niya tungkol sa pagpaparetoke. Saad niya: “Turn off ang babaeng b*b*!” Ito’y bilang reaksyon sa tinuran ni Herlene na ang huli na niyang pagsali sa beauty pageant ay ang Miss Grand Philippines. Nasungkit ni Herlene ang titulong Miss Tourism Philippines. In fairness to the once-called Hipon Girl, hindi naman niya itinangging sumailalim siya sa surgery para ipaayos ang kanyang ilong. Ito ang eksaktong sinilip ni Rendon. Post pa niya: “Ang priority ng mga kababaihan ay ang pagpaparetoke para madagdagan ang value nila.” Kung si Rendon daw ang masusunod, dapat daw ay edukasyon ang mas pahalagahan ng ibang mga kababaihan…”utak muna bago retoke!” Again, in fairness to Herlene ay hindi naman niya itinatangging may kakapusan siya pagdating sa pagsasalita ng wikang Ingles. At para i-address niya ang naturang communication problem ay nag-aaral siya by engaging the services of a tutor. Kailangan sigurong malaman ni Rendon that we may not be born with equal talents but we deserve the right to develop our talents. Ano naman kasi kay Rendon kung walang grey matter si Herlene? Bakit, siya ba meron para magsalita na akala mo’y isang pageant expert? Ronnie Carrasco III