Home ENTERTAINMENT Rendon, dinalaw si Boss Toyo, nagdala ng bulaklak ng patay!

Rendon, dinalaw si Boss Toyo, nagdala ng bulaklak ng patay!

Manila, Philippines- Panalo ang pagpapatawa ng social media influencer na si Rendon Labador.

Ang napagtripan niya kasi’y ang sikat na negosyanteng si Boss Toyo.

No, walang dalang item si Rendon para ibenta sa shop ni Boss Toyo.

Sa kanyang video, dinalaw ni Rendon si Boss Toyo sa isang undisclosed hospital.

Sa ‘di pa malamang sakit, doon naka-confine si Boss Toyo.
Laking gulat nito nang tumambad sa kanya ang alay na bulaklak ng patay ni Rendon sa kanya.

“Motivated…motivated…put–h, pinapatay mo naman ako niyan, eh!” bungad ni Boss Tayo sa bumisita sa kanya.

“Motivated flowers ‘yan para mapabilis ang paggaling mo!” depensa naman ni Rendon.

“Magpagaling ka para may kakampi ako!” udyok pa ni Rendon na kalaro pala ni Boss Toyo sa basketball.

As if those wreaths are not enough to cheer up Boss Toyo, nagdala rin si Rendon ng pancit na pinaniniwalaang for long life.

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa anila’y “playtime video” ni Rendon.

Mabuti raw ‘yung habang buhay pa si Boss Toyo ay maramdaman nitong well-loved siya.

Teka, hindi ba’t kamakailan lang ay binili ni Boss Toyo ang ibinentang kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang Rewind?

Kumpleto na ang “production design”…lol! Ronnie Carrasco III

Previous articleKuya Wil, tumawag daw kay Tito Sen, nagpapalakad sa senado?
Next articlePananagutan ng LGU sa viral Chocolate Hills resort aalamin ng DILG