Home NATIONWIDE Rep. Lagman binalaan vs pahayag sa Cha-cha

Rep. Lagman binalaan vs pahayag sa Cha-cha

MANILA, Philippines-  Umalma si dating Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa pagtukoy sa kanya ni Albay Rep. Edcel Lagman na isa sa nasa likod ng pagbibigay ng pera para makakuha ng lagda sa isinusulong na people’s initiative sa gagawing Charter Change.

Pinaalalahanan ni Garbin si Lagman na kung uulitin nito ang walang basehang akusasyon ay nakahanda niyang kasuhan ang mambabatas.

“This is a peaceful movement, but I caution him from further dragging down the names of those who do not subscribe to his views, lest he open himself up to criminal charges,” ani Garbin.

“At the top of my mind is cyber libel,” paliwanag pa nito ukol sa posibleng ikaso kay Lagman.

Una nang ibinunyag ni Lagman na nagkakaroon ng monetary scheme sa pangangalap ng lagda para sa Cha-cha at pondo ng gobyerno ang ginagamit dito.

Isa si Garbin na pinangalanan ni Lagman na kasama sa local leaders na kasali sa nasabing aktibidad.

“Congressman Lagman’s claim that mayors in Albay are being pressured into joining the movement deserves to be ignored and be given no consideration at all.His inference of criminal activities must stop. His claims of criminal violations of the election law are unsupported by any evidence or sworn statements by his supposed witnesses,” depensa ni Garbin.

Samantala, una na ring nanindigan si Lagman sa kanyang naging akusasyon at sinabing local officials sa Albay ang mga ipinatawag para sa pulong sa Cha-cha. Gail Mendoza

Previous articleP38M marijuana plantation nadiskubre sa Kalinga
Next articleBagong kagamitan ng PNP ibinida