MANILA, Philippines – Umapela si Bataan Rep. Geraldine Roman kay drag queen Pura Luka Vega na huwag gamitin ang gender card sa kontrobersiyal na viral video na Ama Namin.
“Pura, please, do not use the gender card again because you are giving the community a bad name,” apela ni Roman.
Ayon kay Roman ang insidente ay malinaw lamang na hindi pagrespeto sa relihiyon ng iba subalit sa ngayon ay nasasama na ang buong LGBT Community.
“This is simply a case of disrespect for religious feelings of other people. And now, because binabatikos ka ng marami sa lipunan, you’re waving the queer card. Don’t be unfair kasi nga, you know what, ang masama dito magkamali ang isang member ng community, lalahatin na ” ani Roman.
Giit ni Roman bilang isang artist, hindi maaring gamitin ang iba para lamang sa pansariling ineters.
“Hindi mo pwedeng tawaging art ‘yung pananakit ng damdamin ng ibang tao.I find that attitude very selfish, irresponsible, at tsaka inconsiderate,” ani Roman.
Payo ni Roman ang dapat na gawin ni Pura sa isyu ay humarap sa mga pari at pag usapan ang insidente lalo at ang pangyayari ay malinaw din na paglabag sa batas.
“such actions may be considered a criminal offense, Article 133 of the Revised Penal Code states the penalty against offending religious feelings”giit pa ni Roman.
Nilinaw naman ng mambabatas na ang naging aksyon ni Pura ay walang kinalaman sa isinusulong na SOGIE Equality bill.
“SOGIE Equality bill will not justify or decriminalize similar acts.” dagdag pa nito.
SOGIE Bill ay nakabinbin sa Senado kung saan una nang sinabi ni Senate committee on rules Chairman Majority Leader Joel Villanueva na ang panukala ay hindi kabilang sa riority measure. Gail Mendoza