Home HOME BANNER STORY Reporma sa agrikultura, mahalaga sa malakas na ekonomiya -PBBM

Reporma sa agrikultura, mahalaga sa malakas na ekonomiya -PBBM

266
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng ipatutupad na reporma sa sektor ng agrikultura para panatilihing malakas ang ekonomiya ng bansa.

Sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Kadiwa ng Pangulo stalls sa Butuan City, Agusan del Norte, muling nangako ang Pangulo na lagyan ng “premium” ang agricultural industry para palakasin ang productivity at kabuhayan ng mga magsasaka.

“Kahit na ano pang gawin natin ‘na pagandahin ang ekonomiya, kung hindi natin maayos ang agrikultura, hindi po natin mapapaganda at mapapagtibay ang ekonomiya, lalo ngayon, maraming pangyayari, maraming pagbabago,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t kailangan magaling tayong mag-adjust. Kailangan matibay ang ating sistema, ang sektor ng agrikultura upang tumibay lahat ng ibang,” dagdag na wika nito.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo  na ang tagumpay ng Kadiwa ng Pangulo program ay nakadepende o nakasandal sa mga inisyatiba ng kanyang administrasyon na naglalayong muling pasisiglahin ang sektor ng agrikultura.

Sa nasabing event, nilibot ng Pangulo ang mga booths at stalls ng 10 Kadiwa financial grant beneficiaries at limang Kadiwa retail selling suppliers na nag-aalok ng abot-kayang halaga ng “goods, prutas, gulay, bigas, seafood at  processed food products.

“Hindi natin iniisip ang production lamang kundi pati na ang kinikita ng ating mga magsasaka. Dahil napaka-importante po,” aniya pa rin.

Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang ceremonial turnover ng iba’t ibang government assistance sa mga “intended recipients” sa isang  programa sa provincial capitol grounds sa Butuan City.

Ang scholarship tool kits  mula sa  Technical Education and Skills Development Authority ay ipinamahagi sa mga indigenous people beneficiaries.

Pinangunahan din ng Pangulo ang  pamamahagi ng coconut seedlings sa mga magsasaka mula sa Philippine Coconut Authority; units para sa kompletong pag-aani mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization; at fertilizers, hauling trucks at farm tractors mula sa Department of Agriculture.

Nagbigay naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng fabricated reinforced plastic boats sa mga recipients na mangingisda.

Ang mga benepisaryo ay nakatanggap din ng government assistance sa pamamagitan ng Assistance  Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor And Employment’s (DOLE) Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Project ng DA.

Samantala, nangako naman ang Pangulo na patuloy na tutulong sa mga nangangailangang filipino, lalo na iyong “forced to bear the brunt of the adverse impacts of the pandemic during the onset of the coronavirus disease 2019 (Covid-19) in 2020.”

“Kaya po nandito lang po naman kami. Ito ‘yung sadya namin na titiyakin na ‘yung mga nangangailangan pa ay matutugunan at mabibigyan natin ng kaunting tulong,” anito.

“Nagsisimula pa lang po tayo. Ngunit patuloy nating gagawin ito. Walang tigil ito hanggang masabi natin wala ng nangangailangan ng TUPAD, wala ng nangangailangan ng AICS, wala ng nangangailangan ng ganyang klaseng cash transfer dahil may trabaho na lahat. Iyon ang aking hangarin. Iyon po ang hinahabol natin kaya’t magtulungan tayo,” dagdag na wika ng Pangulo. Kris Jose

Previous articleHigit 80M Pinoy rehistrado na sa PhilSys – PSA
Next articleKatrina, nagsalita na sa rebelasyon ni Sabrina!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here