Home METRO Resbak motibo sa pagratrat sa barangay hall

Resbak motibo sa pagratrat sa barangay hall

Bulacan – Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng paghihiganti ang motibo sa pamamaril ng dalawang armadong lalaki sa isang barangay hall sa lungsod ng Meycauayan gabi ng nitong Enero 20.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, konektado sa apat na drug suspects na naaresto ng mga awtoridad sa tulong ng mga tanod noong Enero 19 sa Richmond Village sa Brgy. Bahay Pare ang pamamaril.

Sa report, napatay ang isang tanod na si Rodolfo Santiago habang isa pa ang nasugatan sa pamamaril ng armadong si Jerome Almorasa Ballares, 30 ng Caloocan City at isa pang hindi nakilalang kasabwat.

Bumulagta din kalaunan ang dalawang armado na kapwa may katabing cal 45 at ilang magazine nang gantihan ang kanilang mga putok ng mga rumespondeng pulis sa lugar.

Dahil dito, nitong Lunes ginawaran ni PRO3 director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ng “Medalya ng Kagalingan” ang tatlong matatapang na rumesondeng mga pulis na sina Jocel Calvario, Cpl. Jayson Aggarao at Pat. Lyko Concepcion ng Meycauayan police station nitong Lunes. (Dick Mirasol III)

Previous articleOSG muling iginiit na ICC ‘di kailangan ng Pinas
Next articleMayorya ng Pinoy pabor sa military action sa WPS