Home METRO Rescue dog sa Maco landslide kinilala ni VP Sara

Rescue dog sa Maco landslide kinilala ni VP Sara

MANILA, Philippines – KINILALA ni Vice President Sara Z. Duterte ang kabayanihan ng asong tagapagligtas na si Appa kasama ang iba pang responders sa search and rescue operations sa Masara landslide incident nito lamang buwan.

Si Appa, isang golden retriever Aspin (Asong Pinoy) at Philippine Coast Guard working dog ay naging instrumento para matunton ang tatlong taong gulang na batang babae na natabunan ng mga durog na bato nang gumuhong istraktura kasunod ng landslide noong Pebrero 6 sa Barangay Masara in Maco, Davao de Oro, dahilan ng pagkamatay ng mahigit sa 90 katao.

Sa awarding ceremony na idinaos sa Coast Guard District Southeastern Mindanao headquarters sa naturang lungsod, sinabi ni VP Sara na “everyone was moved by the story of Appa, the brave K9 search and rescue dog,” na tumulong para isalba ang buhay ni Chin-chin Malacaste.

Ang bata ay na-trapped sa underground ng 60 oras bago pa siya natunton ni Appa.

“Appa teaches us that anyone, regardless of labels, can make a difference. His courage reminds us to cherish our animal companions more. Today, it is my honor and privilege to recognize all the deserving Coast Guard personnel, including Appa,” ayon kay VP Sara sa kanyang naging talumpati.

Pinasalamatan naman ni VP Sara ang mga Coast Guard responders para sa kanilang “painstaking effort in searching for missing individuals and locating those who had already perished” sa ilalim ng mga durog na bato.

“May this award reminds you of the impact of your bravery and dedication, inspiring you to keep saving lives and protecting our fellow Filipinos. During tough times like this, instead of being disheartened or fearful, you were great, passionate, and fearless,” ang wika ni VP Sara.

Samantala, pinaalalahanan naman ni VP Sara ang mga Filipino na kahit na sa gitna ng kalamidad “we always rise again, our values as a nation remain unchanged no matter what challenges we encounter.” Kris Jose

Previous articleWanted na Indonesian nat’l naaresto ng BI
Next articleDBM sa LGUs: Budget gamitin nang tama