Home METRO Residential area sa Tondo, Manila nagliyab!

Residential area sa Tondo, Manila nagliyab!

MANILA, Philippines- Nilamon ng apoy ang tinatayang aabot sa mahigit P1 milyong ari-arian nang masunog ang mga kabahayan sa Tondo, Manila nitong Martes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-NCR, umabot sa humigit-kumulang P1,500,000 ang naging pinsala sa sunog.

Nagsimula ngsumiklab ang apoy sa inuupahang bahay ng isang Roger at Ine Gloria sa 1914-21-C2 Capulong St., corner Lacson St.,Tondo.

Dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula alas-9:41 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay.

Inakyat ang sunog hanggang sa ikalimang alarma at idineklarang fire out pasado alas-2 na ng madaling araw ng Miyerkules.

Dalawang indibidwal naman ang iniulat na injured sa pangyayari.

Isa ay ang bumbero na si FO1 Philip Chua na nagtamo ng minor laceration sa kanang palad habang first degree burn naman ang tinamo ni Julieta Rodrmo, PWD, 75 taong gulang, na agad itinakbo sa Tondo General Medical Center.

Humigit-kumulang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan .

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP310M premyo sa lotto nasolo!
Next article3 nagbebenta ng ‘pekeng’ MMFF tickets tiklo!