Home NATIONWIDE Resolusyon sa economic amendments, ibinalik kay Padilla: ‘Walang gustong humawak’

Resolusyon sa economic amendments, ibinalik kay Padilla: ‘Walang gustong humawak’

MANILA, Philippines – Ibinalik sa Senate committee on constitutional amendments, revisions of codes and law ang resolusyon na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang amendahan ang economic provision ng 1987 Constitution.

Bukod kay Zubiri , lumagda din sa Resolution of Both Houses No 6 si Senate President Loren Legarda at Senador Edgardo Angara na dapat sanang manguna sa binuong sub-committee.

Natuklasan ito matapos ang tatlong oras na closed-door meeting ng miyembro ng Senado na umabot sa mahigit tatlong oras na “all senators caucus.”

Nang muling nagbalik ang sesyon dakong 7 ng gabi, ibinigay ang naturang resolusyon sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senador Robin Padilla.

Taliwas ang pangyayari sa unang pahayag ni Zubiri noong nakaraang linggo na hahawakan ang RBH6 ng subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pangungunahan ni Angara.

Ipinaliwanag ni Zubiri na hahawakan ni Angara ang deliberasyon ng panukalang resoliusyon dahil kailangan expertise ng isang abogado. Hindi abogado ni Padilla.

Ikinatuwiran pa ni Zubiri na masyadong “divisive” para sa bansa ang gusto ni Padilla na pag-usapan din ang political amendments.

Walang mambabatas na gustong magpaliwanag hinggil sa pagbabago sa tatalakay sa RBH6.

“With what’s happening sino pa kayang senador ang interesado sa RBH?” ayon kay Villanueva sa text statement. Ernie Reyes

Previous articleBong Go: Voter’s registration, ‘wag ikompromiso
Next articleKonstruksyon ng LRT-2 station na magkokonekta sa Recto-Tondo sisimulan na