MANILA, Philippines – Target ng Korte Suprema na mailabas ang resulta ng 2023 Bar examination sa unang bahagi ng Disyembre na may sabay-sabay na oath-taking at pagpirma ng Roll of Attorneys bago ang Pasko.
Sinabi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, 2023 Bar chairman, na gusto niya ng bagong batch ng mga ganap na abogado bago matapos ang taon.
“The time spent by the examinees waiting in agony for the results of the exams will be cut short considerably. My team and I are eyeing the release of the results of the 2023 Bar examinations in early December before Christmas Day,” ani Associate Justice Ramon Paul Hernando sa mga mamamahayag sa unang araw ng Bar exams.
May kabuuang 10,791 law students ang nagsimula sa tatlong araw na Bar Examinations, na gaganapin sa Setyembre 17 (Linggo), 20 (Miyerkules) at 24 (Linggo) sa 14 na testing centers sa buong bansa.
Mahigit sa kalahati ng mga Bar examinees sa bansa ay first-time kumukuha.
Sinabi ni Hernando na ang mas maikling panahon ng pagsusulit ay magiging mas mura para sa mga kukuha ng Bar. RNT