MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Korte Suprema na ilalabas na ang resulta ng 2023 Bar Examinations sa December 5, 2023.
Ilalabas ang kumpletong resulta ng 2023 Bar Exams sa pamamagitan ng public announcement sa Supreme Court Main Building sa Padre Faura sa Maynila.
Ipakikita rin ang mga pangalan ng mga pumasa sa LED walls sa courtyard ng SC hanggang alas-6 ng gabi.
Bubuksan ang gate ng Supreme Court Main Building sa publiko mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi.
Inabisuhan ng SC ang mga magtutungo na sumunod sa dress code.
Ilalabas din ng SC ang resulta ng Bar Exams sa official social media pages ng Korte Suprema sa X, Threads, Facebook, at Instagram.
Una nang sinabi ng SC na ang Oath Taking and Roll Signing Ceremonies sa mga makakapasang examinees ay gagawin sa December 22, 2023 sa SMX Convention Center sa Pasay City. Teresa Tavares