Home NATIONWIDE Resulta ng Bar Exams posibleng ilabas bago mag-Pasko

Resulta ng Bar Exams posibleng ilabas bago mag-Pasko

256
0

MANILA, Philippines – Target ng Supreme Court (SC) na ilabas agad ang resulta ng 2023 Bar Examination sa darating na Disyembre.

Sa pagsisisimula ng tatlong araw na Bar examinations, sinabi ni Bar chairperson at Associate Justice Ramon Paul Hernando na plano ng SC na bago mag-Disyembre 25 ay mailabas ang resulta ng pagsusulit.

Isasagawa rin ang sabay-sabay na oath taking at signing of the Roll of Attorneys sa Disyembre bago ang araw ng Pasko.

“So that we will have our new batch of full-fledged lawyers before 2023 ends,” ani Hernando.

Sa dating tradisyon, inilalabas ng Office of the Bar Confidant ng SC ang opisyal na listahan ng matagumpay na nakapasa tuwing huling Marso o unang linggo ng Abril kada taon. Teresa Tavares

Previous articleSapul sa CCTV, kawatan arestado sa Navotas sa panloloob
Next article2 durugista isinelda sa P130K droga sa Navotas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here