Home NATIONWIDE Resupply mission ng Pinas sa WPS, ‘di kailangang ipaalam sa Tsina –...

Resupply mission ng Pinas sa WPS, ‘di kailangang ipaalam sa Tsina – NSC

MANILA, Philippines- Hindi na kailangang humingi ng permiso o magpaalam ng Pilipinas sa China sa resupply mission nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya bilang tugon sa pagkastigo ng Tsina sa pagpasok ng Maynila sa Ayungin Shoal nang walang pahintulot mula sa China sa kahit na ang “low-tide feature” ay sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“The China Coast Guard claims that they were conducting a law enforcement activity have no or zero basis whatsoever,” ayon kay Malaya.

“They also claimed that there should be prior notification from the Philippines on any supply mission,” aniya pa rin sabay sabing, “Again we ask, why should we do so? Ayungin Shoal is not Hainan Island’, tinukoy ang pinakamalaki at itinuturing na “most populous island province ng China.

Kinastigo naman ni Malaya ang patuloy na ginagawang probokasyon ng China.

“The Chines vessels did their reckless and illegal acts with full knowledge that their movements could cause a collission and this time our fears happened,” wika niya.

“We are relieved  and thankful that no Filipino personnel were harmed, but we are concerned on the escalation and provocations by Chinese vessels who have no business being in the West Philippine Sea,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, iginiit ng China na pag-aari nito ang halos karamihan sa South China Sea kabilang na ang WPS sa pamamagitan ng ten-dash line nito na dati ay nine-dash line lang.

Hayagan namang binasura ng international tribunal ang pag-angkin na ito ng Tsina. Kris Jose

Previous articleNene patay sa kotseng kasama sa motorcade
Next articleSama ng loob nagtulak kay Tumbado para siraan si Guadiz