Home NATIONWIDE Resupply missions ng PCG sa mga outpost nito sa WPS, matagumpay!

Resupply missions ng PCG sa mga outpost nito sa WPS, matagumpay!

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng isa pang matagumpay na rotation at resupply mission ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga outpost nito sa West Philippine Sea sa mga unang araw ng 2024.

Sinabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan nitong Miyerkules na ang BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Sindangan (MRRV-4407) ay nagsagawa ng aktibidad mula Enero 3 hanggang 9 at Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Island.

Dumating sa Port of Buliluyan sa Bataraza, Palawan ang nasabing PCG vessels matapos makapaghatid ng mga suplay sa Coast Guard personnel na nakadeploy sa PCG units sa Kalayaan Island Group.

Sinabi rin ni Gavan na i-upgrade ngayong taon ang tatlong pasilidad ng Coast Guard sa lugar.

Samantala, sinabi ni spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na naispatan nila ang mga barko ng China Coast Guard na sinusubaybayan ang nasabing aktibidad ngunit hindi pa tiyak kung may insidenteng naitala sa pagitan ng dalawang Coast Guards. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLalaki umakyat sa poste, nasagip!
Next articleIllegal job offers sa social media muling ibinabala ng BI