MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang retired Philippine National Police (PNP) official bilang bagong deputy director general para sa operasyon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Inanunsyo ng BuCor na ang bagong apointee ay si retired PSupt. Gil Tisado Torralba.
Anito, ang pagkakatalaga ni Torralba ay ipinaalam sa bureau ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla.
Tinanggap naman ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang appointment ni Torralba. Aniya: “We are looking on how we can improve more and Torralba’s appointment will give us a big boost due to his experiences as former police superintendent and provincial warden.”
Nauna nang itinalaga ni Catapang si Angelina L. Bautista, retired senior inspector ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Subalit, inalis sa pwesto si Bautista.
Sinabi ni Catapang na nilalayon ng BuCor na i-promote ang kwalipikadong uniformed personnel bilang bahagi ng pagsisikap kontra scalawags.\
Aniya, tumanggap ang bureau ng 1,000 corrections officers noong 2022 at patuloy na nagha-hire ng 1,000 corrections personnel ngayong taon. RNT/SA