Home NATIONWIDE Revenue target ng BOC ngayong Enero, nahigitan pa

Revenue target ng BOC ngayong Enero, nahigitan pa

100
0

MANILA, Philippines – Nahigitan pa ng Bureau of Customs ang target na kita nito ngayong Enero ng hanggang 11.79% o P7.415 bilyon.

Batay sa preliminary report na inilabas nitong Biyernes, Pebrero 3, nakakolekta ang BOC ng kabuuang P70.327 bilyon nitong nakaraang buwan, sobra sa target revenue na P62.911 bilyon.

Mas mataas din ng 20.53% o P11.98 bilyon ang nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022 sa P58.346 bilyon.

Nakapag-ulat naman ang BOC nitong Enero ng 36 na operasyon sa iba’t ibang pantalan at paliparan.

Katumbas ito ng nasa P908.137 milyon na halaga ng mga nasabat na iba’t ibang produkto na lumabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kabilang sa mga ito ay ang nasa P794.463 milyon halaga ng smuggled agricultural products at P104.833 milyon halaga ng illegal na droga.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nananatiling positibo ang ginagawa ng ahensya upang maproteksyunan ang bansa laban sa mga smuggled na produkto.

Ipagpapatuloy rin nito ang modernisasyon at reporma sa polisiya upang maiwasan ang fraud at korapsyon sa ahensya. RNT/JGC

Previous articleObiena 3rd place sa Mondo Classic
Next articleDonaire inayawan ni Moloney