Home NATIONWIDE Rex Gatchalian bilang DSWD chief, aprub na sa CA panel

Rex Gatchalian bilang DSWD chief, aprub na sa CA panel

500
0

MANILA, Philippines – Inendorso na ng Commission on Appointments (CA) committee on labor, social welfare, and migrant workers nitong Martes, Mayo 16 ang kumpirmasyon ni Rex Gatchalian bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary.

Ito ay makaraang aprubahan ng CA panel ang mosyon ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte na dalhin na sa CA plenary ang appointment ni Gatchalian.

Bilang dating miyembro ng Kamara, nagpahayag ng buong suporta sa appointment ni Gatchalian ang mga contingent mula sa Mababang Kapulungan.

Bagama’t tinanong ng mga miyembro ng Senado kung ano ang plano nito para sa departamento at sa kasong inihain laban sa kanya sa Office of the Ombudsman, nakatanggap naman si Gatchalian ng suporta mula kay Senador Cynthia Villar, Risa Hontiveros, Imee Marcos, JV Ejercito, Grace Poe, at Senate President Pro Tempore Loren Legarda. RNT/JGC

Previous articleLola laslas ang leeg sa mag-utol!
Next articleMIF bill planong maisabatas bago mag-SONA – Diokno

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here