Home ENTERTAINMENT Rhen, may mensahe sa mga nagka-casino!

Rhen, may mensahe sa mga nagka-casino!

Manila, Philippines – Ibang klase talaga ang sexy actress na si Rhen Escank dahil sa loob lang ng mahigit isang linggo simula nang malaman niya na tina-tap siya para maging celebrity endorser ng CC6 Online Casino, nilunsad na siya agad sa pamamagitan ng isang mediacon.

Ayon kay Rhen, “Actually, noong tinawagan po ako ni Tita Aster (Amoyo), nito lang, siguro mga week ago, nasa taping po ako.

“Pero alam ko na importante ang sasabihin niya kasi, may follow-up na text. Sabi niya, ‘I have something big for you.’

“Noong sinabi niya ‘yon sa akin, sobrang excited siya. Ako, initially, wala akong naramdaman. Parang ako, ayoko munang umasa or ayoko munang masyadong isipin hangga’t hindi ko napipirmahan ang contract.

“Ako po kasi, hangga’t wala sa harapan ko, parang ayoko munang angkinin. Kasi, parang ilang beses na rin nangyari na akala ko, para sa akin, pero, hindi pala. At dahil nandito na siya, I’m so happy.”

Inamin naman ni Ms. Jev A. Frago ng CC6 Online Casino na marami raw silang pinagpiliang possible celebrity endorser pero obviously, si Rhen ang nagwagi.

Ayon dito, “Si Ms. Rhen, maganda, sexy and at the same time, noong nakausap namin siya, ‘yung charity na ginagawa namin, gusto niya rin makatulong sa mga taong dapat na tulungan. ‘Yun din po ang nagustuhan namin sa kanya.”Maganda rin ang pasok ng taong 2024 kay Rhen.

Bukod sa bagong endorsement, may movie, at may serye pa siya dahil lumaki pa ang role niya sa ‘Can’t Buy Me Love’ na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Dito ni-reveal ni Rhen kung ano raw ang dahilan kung bakit nagtutuloy-tuloy ang luck niya, lalo na sa career.

Aniya, “Effective po pala ‘yong maglalagay ka ng P50 sa likod ng phone mo. Kasi, ginawa ko po ‘yon.

“Ano raw, for money luck. Ginawa ko po, kasi, wala namang mawawala, e.

“After how many days, ‘eto po. Kaya next year, gawin niyo, wala namang mawawala, e,” natawang sabi niya.

Sa isang banda, aminado naman si Rhen na kung sa casino, minsan pa lang daw niya na-experience na maglaro out of fun kasama ang mga kaibigan

Pero ang ikinatuwa niya talaga, hindi lang daw pala nakakapaglaro dito kundi nakakatulong pa talaga dahil sa mga charity ng CC6.

“Isa lang naman ang message na gusto kong sabihin. Kung ita-try natin siya, in moderation. Parang pag-inom lang din ‘yan. Gusto nating maging masaya, but in moderation.

“At kapag may extra, pwede. Parang gano’n.”

Tinanong si Rhen kung ano na ang naisugal niya sa buhay na napagwagian niya. Ano rin kaya ang isinugal niya pero hindi siya sinuwerte at ayaw na niyang balikan.

“Lagi po sa lovelife,” sey niya agad.

“Ilang beses na pagsugal na hindi po dapat sugalan. Parang laging talo do’n sa part na ‘yon. Kaya po siguro sinusuwerte tayo sa career. Kasi, palagi po tayong pinapatalo ng mga taong tinatayaan ko.

Pero, okay lang po ‘yon, kasi, maganda naman ang career natin, may trabaho tayo. So, okay lang.” JP Ignacio

Previous articleHigit 4M indigent seniors makatatanggap  ng P1,000 monthly social pension mula Pebrero
Next article2 airport police na dumaan sa EDSA bus lane sinuspinde ng MIAA