Manila, Philippines – Inaresto ng mga otoridad noong Sabado,October 7, sa isang resto-bar sa Caloocan City ang aktor na si Ricardo Cepeda, sa kasong syndicated estafa.
Nadakip si Ricardo dahil sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 12 Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.
Kasalukuyang naka-detaine sa Camp Karingal si Ricardo.
To the rescue naman ang stepson ni Ricardo na si Joshua de Sequera, na ayon sa kanya, wrongly accused lang ang kanyang step daddy.
Kinuha raw kasi ito bilang brand ambassador ng isang sales company at wala itong kaalam-alam na ito pala ay nag-aalok ng isang investment scam.
Diumano ay talbog ang mga tsekeng ini-isyu sa kanilang mga investors.
At kaya naisyuhan umano ang aktor ng warrant of arrest ay dahil ang akala ay isa ito sa nagmamay-ari ng sales company na involved. Rommel Placente