Home NATIONWIDE Rice price cap posibleng alisin na sa mga susunod na linggo –...

Rice price cap posibleng alisin na sa mga susunod na linggo – SINAG

503
0
Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Posibleng alisin na umano ang mandato sa price ceiling sa regular at well-milled rice sa mga susunod na linggo, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Sinabi ng SINAG na nagsisimula na ang anihan ng bigas kung kaya’t inaasahan na bababa na ang presyo nito sa mga pamilihan.

“Pag-harvest natin towards December, ‘yung presyo babalik sa normal nasa P43, P44. ‘Pag harvest natin, babalik yung presyo without importing, without lowering of tariff,” ani SINAG Chairman Rosendo So.

“End of the month is okay na, and makikita natin ang harvest ng September, in which mga 2.7 million metric tons ang naiiwan na harvest ng palay,” dagdag pa niya.

Sang-ayon naman dito ang ilang rice retailers sa Metro Manila at sinabing bumababa na nga ang presyo ng bigas mula sa kanilang mga supplier.

Sa kabila nito, sinabi ng rice watch group na Bantay Bigas na sa kabila ng pagbaba ng presyo ng bigas, posibleng hindi pa rin ito kaya ng ilang consumer.

“At least P34-36 sana ang panawagan, at magagawa ‘yan kung talagang gobyerno na mismo mag-subsidize sa presyo ng bigas,” ani Bantay Bigas Chairperson Cathy Estavillo.

Samantala, ang pagtaas sa suplay dala ng harvest season ang isa sa mga ikinokonsidera sa pag-aalis ng rice price cap, sinabi ng Department of Agriculture (DA).

“The fact that some retailers are now selling rice below [the price cap of] P41 and below P45 is indeed a good indicator,” dagdag pa niya.

Kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, mahigpit na binabantayan ng DA ang mga salik para makapagbigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “informed recommendation on the timeline of lifting the price ceiling on rice.” RNT/JGC

Previous articleSharon, walang ipamamanang pera sa mga anak!
Next articlePeñafrancia fluvial procession matagumpay na idinaos sa Naga!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here