Home NATIONWIDE Rice stock ng Pinas bumaba ng 25% noong Disyembre

Rice stock ng Pinas bumaba ng 25% noong Disyembre

MANILA, Philippines- Bumaba ang rice inventory ng Pilipinas ng 25% noong Disyembre ng nakaraang taon.

Subalit, tiniyak naman ng pamahalaan na may sapat na suplay na tatagal hanggang sa susunod na panahon ng ani o tag-ani.

Makikita sa ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 25% ang rice stock o 1.90 million metric tons (MT) mula sa 2.53 MT na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.

Sa pinakabagong report, makikitang bahagyang bumaba ng 4.2% kumpara noong November 2023 stock na 1.98 million MT.

Ang suplay ng bigas mula sa National Food Authority (NFA), kung saan mayroong share na 3% sa kabuuang inventory ay bumaba ng 54.4% kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.

Sinundan ito ng household sector, bumaba ng 33.2% at ang commercial sector, bumaba ng 8.7%.

Ang household sector ay mayroong share na 52.1% habang ang commercial sector ay mayroong 44.9% ng kabuuang inventory.

“Month-on-month, decreases were seen in all rice inventories with stocks from the commercial sector declining by 5.5 percent, NFA depositories by 5.1 percent, and the household sector by 3.0 percent,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na noong Disyembre ng nakaraang taon, ang bansa ay mayroong sapat na suplay ng bigas hanggang Marso o Abril, dahil sa inangkat na bigas mula sa Vietnam at India.

Samantala, ang suplay ng mais noong December 2023 ay tumaas ng dalawang beses o 685.89 thousand MT, tumaas ng 51.1% mula sa 545.03 MT sa kahalintulad na panahon noong 2022.

Gayunman, sa monthly basis, bumaba ito ng 12% mula sa 779.46 MT na naitala noong November 2023.

Nakitaan naman ng improvement ang mga suplay sa commercial, 51.4% at household sectors, 49.4% kumpara sa mga kanilang mga suplay sa kahalintulad na panahon noong 2022.

Samantala, sinabi ng PSA na ang mga suplay sa commercial sector ay bumaba ng 17.4% “month-on-month” habang lumago naman sa household sector ng 28.1%.

Sinasabing karamihan sa corn stocks ay nanggaling sa commercial sector habang ang natitirang 17.2% naman ay mula sa household sector. Kris Jose

Previous article25K community gardens itinayo sa ilalim ng nationwide clean-up drive
Next articleBaguio maghihigpit sa water delivery services