Home NATIONWIDE Rice subsidy ng AFP inaprubahan ni PBBM

Rice subsidy ng AFP inaprubahan ni PBBM

MANILA, Philippines – APRUBADO kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang funding requirements para sa rice subsidy at i-improve ang medical services para sa mga military personnel.

Ito’y matapos na tanggapin ng Pangulo ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa New Year’s call sa Palasyo ng Malakanyang.

“Beyond duty, we prioritize their daily lives. I have approved a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support,” ayon kay Pangulong Marcos sa Facebook post.

Pinangunahan nina Presidential Adviser on Police and Military Affairs Secretary Roman Felix, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang nasabing New Year’s call sa Malakanyang.

Dumalo rin sina Philippine Army commanding general Lt. Gen. Roy Galido, Philippine Air Force commanding general Lt. Gen. Stephen Parreño, at Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm.Toribio Adaci Jr.

Winika ng Punong Ehekutibo na committed ang kanyang administrasyon na i-promote ang kapakanan ng government troops.

Tinukoy nito ang pagtaas ng budget ng Department of National Defense’s (DND) budget para ngayong taon ng 2024.

“With an increased 2024 budget for the DND, we’re dedicated to ensuring the well-being of our uniformed personnel and their families. This commitment is evident in our support for the Revised AFP Modernization Program and the Pension and Gratuity Fund, ensuring financial stability for military and civilian personnel,” aniya pa rin.

Matatandaang nangako si Pangulong Marcos na patuloy niyang susuportahan mapalakas ang kapabilidad at maging ‘world-class force’ ang AFP.

Itinaas naman ng Chief Executive ang gratuity pay ng mga Medal of Valor Awardees ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Pangulo ito ay bilang pagkilala ng administrasyon sa kanilang ipinamalas na kabayanihan.

Kinilala naman ni Pang. Marcos ang kontribusyon ng mga tauhan ng AFP sa pagtiyak ng seguridad ng bansa at sa paglaban sa mga masasamang elemento ng lipunan. Kris Jose

Previous articleDonny, napa-thank you sa ‘di pagkasali ng pelikula!
Next articleNBA: Mavs inilampaso ng Lakers