Home NATIONWIDE Rice tariffs target bawasan ng NEDA sa paglobo ng inflation

Rice tariffs target bawasan ng NEDA sa paglobo ng inflation

426
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang National Economic and Development Authority (Neda) nitong Martes na rebyuhin ang umiiral na tariff levels sa bigas.

Nilalayon nito an pababain ang halaga ng produce sa gitna ng pagtaas ng inflation.

Ito ang inihayag ng matapos ianunsyo ng Philippine Statistics Authority announced ang pagtaas ng inflation rate ng bansa.

Mula 4.7 porsyento noong Hulyo, umakyat ang inflation rate sa 5.3 porsyento nitong Agosto.

Dahil dito, pumalo ang average inflation rate mula Enero sa 6.6 porsyento.

Base sa Neda, tumaas ang presyo ng bigas sa 8 porsyento nitong Agosto mula sa 4 porsyento noong Hulyo 2023.

Samantala, sumipa naman ang presyo ng gulay sa 31 porsyento mula sa 21 porsyento.

“To partially counterbalance the rise in global prices and alleviate the impact on consumers and households, we may implement a temporary and calibrated reduction in tariffs,” ani Neda Secretary Arsenio Balisacan sa pahayag ng Presidential Communications Office.

Ani Baliscan, dapat ikonsodera ang epekto ng pagpapababa ng taripa sa local producers, sakaling ikasa ang ganitong uri ng price intervention.

Bukod sa reduced tariffs, inirekomenda rin ng Neda ang mabilis na recovery ng agricultural production sa typhoon-affected areas.

Sa kabila ng pagtaas ng inflation rate, severe weather conditions sa food supplies at trade limitations na ipinataw ng ibang bansa, nananatili ang target ng ahensya na inflation rate sa pagitan ng 2 at 4 porsyento sa pagtatapos ng 2023. RNT/SA

Previous articleInfra damage nina Goring, Hanna, Habagat pumalo sa P727M
Next articleTruck sumalpok sa jeep, bahay; 4 sugatan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here