Home ENTERTAINMENT Richard at fam, gumanti kay Sarah!

Richard at fam, gumanti kay Sarah!

Manila, Philippines- Unfollowing each other on Instagram seems to be the name of the game between estranged couple Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

Nitong January 9, Martes ay hindi nakaligtàs sa mga “deboto” ng mga maiinit na showbiz balita ang pag-unfollow ni Sarah kay Richard sa IG.

Idinamay na rin ni Sarah ang kambal ng kanyang asawang si Raymond, ate na si Ruffa at ang Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama.

Upon checking Richard’s IG ay pina-follow pa niya si Sarah.

Pero makaraan ng ilang oras, burado na rin si Sarah sa listshan ni Richard.

Aside from unfollowing the Kapamilya actor, binitawan na rin ni Sarah ang apelyidong Gutierrez.

Ang pag-unfollow-han ng mag-asawa ay nagpapatunay lang na talagang nagsanga na sila ng landas.

Wala kasi ni isa sa kanila has confirmed about their breakup.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay na mukhang aabot sa korte, nagpost si Sarah ng pasasalamat sa patuloy na suportang natatanggap niya mula sa mga netizens.

Ani Sarah: “Just wanted to say that I see your messages. I hear you and love you!”

Samantala, inaantabayanan ng mga netizens ang reaksyon–kung meron man–ni Sarah sa bar sighting kina Richard at Barbie Imperial.

The two were seen at one table at the Westgate in Alabang, Muntinlupa.

Sinasabing part-owner doon si Neil Arce, asawa ni Angel Locsin.

Richard and Barbie were in the company of friends.

Sa intrigang may “something” na namamagitan sa dalawa, mismong ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz ang nagkumpirmang Richard and Barbie are just friends. Ronnie Carrasco III

Previous articleMikee, ‘di pabor sa nose job ni alex!
Next articleTUCP SUPORTADO ANG PAGTATAAS NG SAVINGS RATE NG PAG-IBIG FUND