Home ENTERTAINMENT Richard, sasampahan na ng kaso si Sarah, inawat ni Ruffa!

Richard, sasampahan na ng kaso si Sarah, inawat ni Ruffa!

Manila, Philippines- Dapat pala’y nitong December 18, Lunes ay tutuluyan na raw ni Richard Gutierrez na sampahan ng kaukulang demanda ang estranged wife na si Sarah Lahbati.

Ito ang iniulat ni Cristy Fermin bilang bagong development sa estado ng pagsasama ng showbiz couple.

Hindi nga lang daw natuloy ang hakbang ng aktor.

Payo raw kasi ng abogado ni Richard, hingin ang komento o opinyon ng kanyang pamilya.

Sa madaling salita, huwag daw maging padalus-dalos ang aktor.

According to Cristy, Richard did just that.

Ngunit pagdating daw sa ate niyang si Ruffa ay umiyak daw ito.

Umiiyak daw na nakiusap si Ruffa na: “Chard, huwag na. Let’s just wait for the right time. Zion (eldest child ng mag-asawa) is already 10 years old, nakatutok na siya sa social media. Nakakaawa naman…”

Maging ang Gutierrez patriarch na si Tito Eddie raw shares Ruffa’s thoughts.

Nakahanap din si Ruffa ng sasang-ayon sa kanya sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Even Annabelle Rama softened on Sarah, pero nagdeklara ito na pag gumawa raw ito ng ligal na hakbang ay lalabanan nila ito nang demandahan.

For now, nanaig kumbaga ang majority sa isinagawang “opinion survey” ni Richard.

But from the looks of it, hindi sa pinangungunahan namin siya pero mukhang desidido na si Richard na sampahan ng kaso si Sarah.

If Sarah’s contemplating suing Richard as well, ano naman kayang kaso? Ronnie Carrasco III

Previous articleTsina nagbabala sa Pinas: Sitwasyon sa S. China Sea ‘wag maliitin
Next articleTsina tumangging nagpopondo sa ‘pro-China trolls’ sa Pinas