Home METRO Rider nagulungan ng trak, patay!

Rider nagulungan ng trak, patay!

MANILA, Philippines – Patay ang isang rider matapos mabangga at magulungan ng dambuhalang truck sa Road 10 Tondo nitong Sabado ng umaga, Enero 20.

Kinilala ang biktima na si Danilo Malinao y Magbanua, nakatira sa 1612 Evangelista Compound, Santa Rosa I, Marilao, Bulacan.

Hawak na ngayon ng MPD-Traffic Enforcement Unit para sa imbestigasyon ang driver ng trailer truck na si Dave Tolentino y Buenaventura, nasa hustong gulang at taga-Mulawin, Orani, Bataan.

Sa ulat ng MPD, binabagtas ng biktima ang Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila sakay ng kanyang Rusi motorcycle na may plakang 791 QZR nang pagsapit sa Jacinto street ay aksidente itong sumemplang dahil sa sirang kalsada.

Nataon naman na binabagtas din ng trailer truck na may plakang RDX 102 ang nasabing direksyon kaya nagulungan ang biktima.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong maaaring kaharapin ng truck driver. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article3 patay sa paglusob ng mga armadong lalaki sa barangay hall sa Meycauayan
Next articleCSC dumalo sa Australia Digital Transformation Strategy study