Home METRO Rider nawalan ng kontrol sa motorsiklo, patay

Rider nawalan ng kontrol sa motorsiklo, patay

MANILA, Philippines – Patay ang 18-anyos na rider sa aksidente sa Barangay Burgos, Santa Lucia, Ilocos Sur nitong Biyernes, Pebrero 9.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ralphe Richee L. Pacurza, residente ng Barangay Badas, San Juan, Abra.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Pacurza at saka nagulungan ng bus.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit nasawi rin dahil sa serious injuries. RNT/JGC

Previous articleP500K reward alok sa makapagbibigay ng impormasyon sa gunmen ng itinumbang konsehal
Next articleDND may mensahe sa China sa pakikialam sa Batanes