MANILA, Philippines – ISANG rider ng Honda TMX ang namatay makaraang masagasaan ng isang tractor Head sa Southbound lane sa panulukan ng Roxas Boulevard at TM Kalaw sa Ermita, Manila nitong Lunes ng umaga, Setyembre 25.
Kinilala ni Police Major Luisito Domondon Mababangloob lll, OIC chief ng Manola Disttict Traffic Engorcement Unit (MDTEU) ang biktimang si Domenador Odon, nasa hustong gulang, residente ng Meycauayan, Bulacan.
Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Damage to Property ang sumukong driver na si Abad ng Maragondon Cavite.
Base sa ulat na isinumite ni Police Staff Sargent Ron Henry Gemzon kay Police Major Jaime Gonzales Jr., investigation Unit ng MDTEU, bandang 10:40 ng umaga, nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyong isinagawa ng pulisya, magkasabay na tinatahak ng biktima at ng driver ng Tractor head ang pa-timog na direksyon nang masagi ang rider at nawalan ito ng balanse hanggang sa pumailalim at nagulungan ang katawan ng biktima na ikinasawi nito.
Gayunman, ang bangkay ay isinailalim sa awtopsiya sa BVL funeral Morgue. Rene Crisostomo