Home METRO Rider patay sa Wing Van truck

Rider patay sa Wing Van truck

ILOCOS SUR-Tigok ang isang 36-anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong nitong truck sa national highway sa Brgy. Calaoa-an, Candon City ng lalawigang nitong madaling araw ng Martes, Setyembre 26.

Kinilala ang driver ng Suzuki Raider 150 motorcycle na si Julius Acosta y Hufemia, 36, walang asawa, welder, residente ng Brgy. Luba, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Nakilala naman ang driver ng Fuso Wing Van truck na si Roderick Perado y Quinto, 43, walang asawa, residente ng Brgy. Bantayan, Mangaldan, Pangasinan.

Nabatid na ang truck ay nasa northbound lane samantalang ang motorsiklo naman ay nasa opposite lane.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, bigla umanong pumasok sa northbound lane ang motorsiklo kaya nagkasalubong at nagbanggaan ang dalawang sasakyan.

Pagkatapos nito ay aksidente rin umanong nasagasaan ng truck ang biktima matapos itong bumagsak sa kalsada.

Ang biktima ay dinala sa Candon City Hospital ng mga rumespondeng emergency response team ng BFP at PNP Candon City.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleP74M pekeng battery, gadget accessories sa warehouse sa Quiapo, nasamsam!
Next articleReassignment sa 3K pulis na may kamag-anak na kandidato, ipinag-utos ni Abalos