Home METRO Rider pisak sa dump truck

Rider pisak sa dump truck

Image Representation Only

MINGLANILLA, Cebu- PISAK ang isang rider matapos magulungan ng dump truck nitong nakaraang linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Mark Anthony B. Depio, 25, taga Barangay Colon, Naga habang hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Howo dump truck na si Jeffie Mission, 36, taga Brgy. Manlapay, Dumanjug.

Batay sa report ng Minglanilla Police Station, bandang 5:00 PM ng maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Inayagan, Naga Cebu.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, parehong binabaybay ng motorsiklo na nasa outer lane habang truck naman ay nasa inner lane.

Sa bili ng pangyayari bigla na lamang nahagip ng truck ang biktima dahilan para tumilapon ito sa kalsada at nasagasaan .

Agad naman dinala ang biktima sa ospital ng mga rumespondeng awtoridad subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Naga Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide./Mary Anne Sapico

Previous articleComelec: Pagbibigay ng rason sa PI withdrawal form opsiyonal
Next articleDagdag-presyo sa produktong petrolyo aarangkada sa Martes