Home METRO Rider utas sa nakaparadang trak sa Tondo

Rider utas sa nakaparadang trak sa Tondo

Dead on the spot ang isang rider nang bumangga sa nakahintong trailer truck sa Tondo, Maynila nitong Huwebes, Disyembre 28.

Ayon sa Manila Traffic and Enforcement Unit, kinilala ang biktima na si Francis Sepulveda ng Caloocan City.

Binabagtas ng biktima sakay ng kanyang Honda motorcycle na may plate number na 780 UQD ang southward ng Mel Lopez Boulevard, Tondo, Maynila nang bumangga sa truck pagsapit sa harapan ng entrance gate ng Manila Harbour Center.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari na si Noel Marilit, nakahinto ang tractor head na may trailer at may plaka na CAK 4689 sa gilid ng kalsada ng bumangga ang biktima sa kaliwang bahagi nito.

Dahil sa pangyayari, tumilapon ang biktima dahilan upang magtamo ng malubhang pinsala sa ulo at dahilan ng agaran niyang pagkamatay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleP1.5M iligal na droga nasabat sa NAIA
Next articleNegosyante todas sa ‘Joyride’ tandem sa Bulacan