Home METRO Rider utas sa salpukan ng motor vs SUV

Rider utas sa salpukan ng motor vs SUV

NAGUILLAN, ISABELA-Patay ang tsuper ng isang motorsiklo matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa National Road na bahagi ng Palattao, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marlon Manuel, 31-anyos at residente ng Minallo, Naguilian, Isabela habang ang tsuper ng SUV ay si Danilo David, 62-anyos, at residente ng Palattao, Naguilian, Isabela.

Nag-overtake umano ang motorsiklo at hindi napansin ang SUV na papasok sa national highway mula sa barangay road na naging dahilan ng pagkakasalpok sa sasakyan.

Nagtamo ng serious head injury ang biktima na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. Rey Velasco

Previous article#Walangtubig sa ilang bahagi ng Parañaque, Pasay
Next article4 iskul sa Quezon binulabog ng bomb threats

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here