Home METRO Rider utas sa Victory Liner

Rider utas sa Victory Liner

NUEVA VIZCAYA – Patay ang isang rider matapos na mabangga ng pampasaherong victory liner bus sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Barangay Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Patungo sa kalakhang Maynila ang pampasaherong bus at nang makarating sa Solano ay aksidente nitong nabangga ang motorsiklo na minamaneho ni Julius Dela Cruz na patawid sa highway sa naturang lugar.

Ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima sa R2TMC dahil sa mga tinamong sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.

Ang naturang lugar ay medyo sharp curve ito kaya hindi nakita ng driver ng bus ang tumatawid na motorsiklo.

Pansamantala nasa pangangalaga ng pulisya ang drayber ng bus na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Rey Velasco

Previous articleKelot tinarakan sa masamang tingin
Next article3 timbog sa cara cruz; P340K droga nasamsam