Home METRO Riding-in-tandem timbog sa P120K ‘tsongki’ sa Bulacan checkpoint

Riding-in-tandem timbog sa P120K ‘tsongki’ sa Bulacan checkpoint

Bulacan- Arestado ang dalawang indibidwal na lulan ng motorsiklo matapos umanong mahulihan ng P120,000 halaga ng ilegal na droga sa checkpoint operation ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek sa alyas Jhonet, 20 at alyas Ronald, 28.

Sa report, nadakma ang dalawang suspek sa Anti-Criminality Checkpoint Operation (Oplan Sita) ng Mobile Patrollers ng Sta. Maria police station bandang alas-2:50 ng umaga sa Brgy. Guyong.

Nakumpiska sa operasyon ang plastic wrapped brick na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang marijuana fruiting tops na nagkakahalaga ng P120,000, Beretta (replica), 3 cellphones, bag at Honda Click 125 motorcycle.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleDeath toll sa Monkayo landslide sumampa sa 11
Next article4 opisyal ng motorcycle firm tiklo sa ‘di paghuhulog ng bayad ng mga buyer