Rizal Park, bukas na para sa mga publikong mag-eehersisyo

Rizal Park, bukas na para sa mga publikong mag-eehersisyo

July 1, 2020 @ 8:15 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Binuksang muli sa publiko ang Rizal Park o mas kilala na Luneta Park sa Maynila makaraang pansamantala itong isara ilang buwan dahil sa Luzon lockdown bilang pag-iingat kontra coronavirus disease o COVID-19.

Ang naturang pahayag ay kinumpirma ni Cecille Romero, executive director ng National Parks Development Committee (NPDC), na simula ngayong araw ng Miyerkules (Hulyo 1) ay binuksan na muli ang Luneta Park.

Nilinaw naman ni Romero na ang muling pagbubukas ng nasabing parke ay “for exercise only” o para lamang sa mga mag-eehersisyo kung saan may limitadong oras na magsisimula dakong alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga.

Pinapahintulutan ng NPDC ang mga magja-jogging, walking, cycling at iba pang ehersisyo sa parke.

Aniya, bago makapasok sa nasabing parke ay kailangan na mag-fill out o sagutan ang Health Declaration Form.

Mahigpit ding ipatutupad ang “no face mask, no entry” policy para sa mga mag-eexercise. Kailangan ding may physical distancing na hindi bababa sa limang metro.

Giit pa ni Romero, pagsapit ng alas-9 ng umaga ay palalabasin na ang mga bisita sa Luneta Park at muli itong isasarado.

Hindi aniya muna pahihintulutan ang tumambay, mag-picnic, mag-date at mass gathering sa nasabing parke.

Bukod dito, dapat pa din panatilihin ang kalinisan sa nasabing lugar at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakalat alinsunod na rin sa pinapairal na ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Maynila. RNT/Jay Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...