Home NATIONWIDE ‘Road rage’ sa Subic tatalupan ng LTO

‘Road rage’ sa Subic tatalupan ng LTO

MANILA, Philippines- Magsasagawa ang Land Transportation Office (LTO) sa imbestigasyon sa umano’y road rage na naganap sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Zambales.

Nahagip sa video ang insidente at nag-viral sa social media nitong Biyernes.

Batay sa nasabing video na naka-post sa Facebook, makikita ang tila sadyang pagbangga ng driver ng itim na Toyota Fortuner ng kanyang sasakyan sa isang itim na Hyundai Eon.

Minamaneho umano ang Hyundai ng isang lalaking senior citizen.

Tumakas naman ang nasabing Toyota driver.

“Malinaw sa video na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver kung saan matapos banggain ay tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad,” pahayag ni LTO Chief Vigor Mendoza II.

Tinutukoy niya ang driver ng Toyota sports utility vehicle.

Batay sa larawang kuha sa Hyundai matapos ang pagbangga, makikita ang pinsalang natamo ng sasakyan, kabilang ang basag na headlights, sirang gulong, at gasgas sa katawan ng sasakyan.

“I have already directed the Regional Director of LTO-Region III to look into this incident and immediately issue a Show Cause Order to the registered owner of this vehicle,” pahayag ni Mendoza.

Anang user na nag-post ng mga larawan sa Facebook, apo siya ng Hyundai driver.

Naisulat niya ang conduction sticker ng Toyota at isinama ang impormasyon sa kanyang post.

“With the information relayed by the witnesses, we will be able to immediately initiate actions against the registered owner and the driver of this vehicle,” pahayag ng LTO chief.

Base sa ulat, sinabi ni Juico na hindi nasugatan ang kanyang lolo sa insidente. RNT/SA

Previous article459 PDL inilipat sa Iwahig Prison
Next articleCentenarian personalized stamp iprinisenta ng PHLPost kay Enrile sa kanyang ika-100 kaarawan